Kaugnay na pagaaral at literatura tungkol sa kawalan ng disiplina Ang mga sumusunod ay mga piniling mga pahayag ng ilang mapapanaligang reperensya tungkol sa pag-aaral at literature tungkol sa kawalan ng disiplina . "Ang anumang pisikal na parusa ay pag-abuso sa damdamin at hindi dapat ipahintulot."— Parents Anonymous. "Ang pagpalo ay maaaring maging pag-abuso sa bata kapag ito ay ginagawa nang walang pagpipigil, nang malakas na nag-iiwan ng pinsala. Ang paggamit ng mga instrumento sa pagpalo, pagpalo na nakasara ang kamao, paghampas sa musmos na mga bata, at pagpalo sa mahihinang dako (mukha, ulo, sikmura, likod, mga ari) na pagpaparusa ay malamang na mauwi sa pag-abuso sa bata." — Outgrowing the Pain: A Book for and About Adults Abused as Children Ang aklat na , ay nagsasabi: "Ang pisikal na parusa ay dapat na kainaman lamang upang maging mabisa. Kung ito ay galing sa isa na minamahal niya at batid niyang nagmamahal sa kaniya, ang emosyonal na epekto ...