Kaugnay Na Pagaaral At Literatura Tungkol Sa Kawalan Ng Disiplina
Kaugnay na pagaaral at literatura tungkol sa kawalan ng disiplina
Ang mga sumusunod ay mga piniling mga pahayag ng ilang mapapanaligang reperensya tungkol sa pag-aaral at literature tungkol sa kawalan ng disiplina.
"Ang anumang pisikal na parusa ay pag-abuso sa damdamin at hindi dapat ipahintulot."—Parents Anonymous.
"Ang pagpalo ay maaaring maging pag-abuso sa bata kapag ito ay ginagawa nang walang pagpipigil, nang malakas na nag-iiwan ng pinsala. Ang paggamit ng mga instrumento sa pagpalo, pagpalo na nakasara ang kamao, paghampas sa musmos na mga bata, at pagpalo sa mahihinang dako (mukha, ulo, sikmura, likod, mga ari) na pagpaparusa ay malamang na mauwi sa pag-abuso sa bata." —Outgrowing the Pain: A Book for and About Adults Abused as Children
Ang aklat na , ay nagsasabi: "Ang pisikal na parusa ay dapat na kainaman lamang upang maging mabisa. Kung ito ay galing sa isa na minamahal niya at batid niyang nagmamahal sa kaniya, ang emosyonal na epekto nito ay sapat na upang pag-isipan ng bata ang kaniyang ginawa." — Father Power; Dr. Henry Biller at Dennis Meredith
Makikita mo ang mga literatura na ito sa mga nasabing reperensya.
Gayundin ang Bibliya ay isang reperensya may kinalaman sa pagdidisiplina. Narito ang ilan sa mga pahayag na mababasa:
Hebreo 12:11 "Totoo, hindi tayo masaya kapag dinidisiplina tayo, kundi nasasaktan tayo; pero pagkatapos nito, nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran sa mga sinanay rito."
Kawikaan 22:15 "Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; ngunit aalisin iyon sa kaniya ng pamalong disiplina."
Kawikaan 17:10 "Mas malaki ang epekto ng isang saway sa taong may unawa; Kaysa ng sandaang hampas sa mangmang."
Comments
Post a Comment