Paano Ipinakita Ang Ugnayan Ng Sanhi At Bunga Sa Matinding Pangyayari Na Naganap Kay Crisostomo Ibarra
paano ipinakita ang ugnayan ng sanhi at bunga sa matinding pangyayari na naganap kay crisostomo ibarra
Sanhi at Bunga
Mga Pangyayari sa Buhay ni Ibarra:
Sanhi:
Ang alitan ni Crisostomo Ibarra at Padre Damaso na muntik ng ikasawi ng kura na naganap sa loob ng tahanan ng mga Delos Santos matapos na si Ibarra ay malasing at makahanap ng tapang sa alak.
Bunga:
Nagalit ang kura kay Ibarra at nagpasya na paghiwalayin sila ng kasintahang si Maria Clara sa pamamagitan ng pag udyok kay kapitan Tiyago na wag na sila payagan na magkita.
Sanhi:
Ang pagiging anak ni Crisostomo Ibarra kay Don Rafael Ibarra na pinaniniwalaan ng marami na naging ugat ng poot ni Padre Damaso sa binata.
Bunga:
Ang pagkamuhi ni Padre Damaso na dala nito hanggang kamatayan. Simula ng makita niya si Crisostomo na nakabalik sa bayan ng San Diego ay hindi na nawala ang galit nito sa binata.
Sanhi:
Ang pagiging ekskomunikado ni Crisostomo Ibarra bilang parusa sa pananakit niya kay Padre Damaso.
Bunga:
Pagpasok ni Maria Clara sa kumbento at pagsira ng kasunduan ng kasal ng dalawa na labis na ikinalungkot ng dalaga at ikinatuwa naman ni Padre Salvi sapagkat nakakita siya ng pagkakataon para masolo ang dalaga.
Sanhi:
Ang pagpapahukay at pagpapalipat ng bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga intsik na inutos ni Padre Damaso bilang kabayaran ng di umano ay pagiging erehe at pilibustero nito.
Bunga:
Ang himagsikan ni Ibarra na naging mitsa upang siya ay tugisin ng mga gwardya sibil. Sa kagustuhan na ipaghiganti ang ama, nagplano si Ibarra ng himagsikan na nagtapos sa isang pagsabog sa tahanan ng mga Pelaez.
Sanhi:
Ang pagkamatay ni Maria Clara sa loob ng kumbento na tinutuluyan nito. Sinasabing siya ay binangungot ngunit meron ding nagsabi na siya ay nanghina at tuluyang nagkasakit matapos pagsamantalahan ni Padre Salvi.
Bunga:
Labis na pangungulila at galit sa puso ni Ibarra dahilan para wakasan din niya ang sariling buhay. Ang pag inom ng lason ang naging solusyon ni Ibarra upang matapos ang lahat ng kahirapan.
Read more on
Comments
Post a Comment