Ano Ang Pakay Ni Lucas Kay Padre Salvi
Ano ang pakay ni Lucas kay Padre Salvi
Noli Me Tangere
Kabanata 43: Panukala
Sa kabanatang ito ay nagtungo si Lucas kay Padre Salvi upang humingi ng payo ukol sa pagkamatay ng kanyang kapatid na ang taong madilaw. Sinikap niya na maawa sa kanya si Padre Salvi ngunit hindi man lang nagpakita ng interes ang kura bagkus binalaan niya ang taong ito na wag ng babalik kung ayaw niya na ihabla siya ni Ibarra sa patuloy niyang pangungulit dito. Ang paghahabla ay hindi totoo na iniisip ni Ibarra. Ang tanging nais ng kura ay maitaboy si Lucas sapagkat nahahalata niya na batid na ni Lucas na siya ang nagtangka sa buhay ni Ibarra noong araw ng paghuhugos gamit ang kapatid nito na taong madilaw.
Bukod dito, ipinapalagay din na si Lucas mismo ang nangumpisal kay Padre Salvi ukol sa himagsikan na isasagawa ni Ibarra. Ito ang ginamit niyang dahilan upang makita at makausap ang kura. Ang mga impormasyong iyon ay nakuha niya mula kay Elias ng sila ay magkita bago ang nakatakdang araw ng paglusob. Sa buong pag aakala niya makatutulong ang ginawa niyang pangungumpisal upang makuha ang kabayaran na ninanais niya para sa namayapang kapatid. Subalit ang lahat ay nauwi lamang sa wala sapagkat ipinagkibit balikat lamang ni Padre Salvi ang kanyang ginawa at agad na nagtungo sa alperes upang ibalita ang kanyang nalaman.
Read more on
Comments
Post a Comment