Ano Ang Tatlong Karunungan Bayan

Ano ang tatlong karunungan bayan

Answer:

1)Ang Kasabihan

ay mga aral na matalinhaga. Isang halimbawa nito ay ang Kasabihang "Ang Kalinisan ay Tanda ng Kasipagan".May mga dagdag na impormasyon at mga halimbawa

na matatagpuan dito.

2)Ang Sawikain ay

paglalarawan ng mga bagay o pangyayari, ang mga ito ay matalinhaga kung

pakikinggan. Halimbawa nito ay ang Sawikaing "Abot Kamay" na nangangahulugan na halos ng makuha ang minimithi o

layunin.May karagdagan na kaalaman ang matatagpuan dito.

3)Ang Bugtong

naman ay masasabing isang uri ng tanong na nakatago ang tunay na kahulugan,

mayroon itong layuning iligaw ang nakikinig. Bagamat maaring walang mapupulot

na aral kung ito ay ihahambing sa ibang uri ng Karunungang Bayan, ang

Bugtungan naman ay nagbibigay ng lubos na kaligayahan sa mga magkakaibigan

at pamilya ng matagal ng panahon. Isang halimbawa ng Bugtong ay "Sa Gabi Bumbong, Sa Araw ay Dahon". Ang sagot sa Bugtong na ito ay "Banig".

 May iba pang halimbawa

at dagdag na kaalaman na mahahanap dito.

4)Ang Salawikain

ay mga mahahalagang karunungan na mabuting patnubay sa sino mang makikinig at

susunod dito. Isang halimbawa ay ang Salawikaing "Ang Batang Magalang, Karangalan ng Magulang".  May ilang halimbawa na matatagpuan dito.

Ang mga Karunungang Bayan ay kasama sa

Panitikan ng mga Pilipino ng matagal na panahon, ang mga ito ay naging gabay at

nagbigay ng gantimpala at kasiyahan sa buhay ng mga naging masunurin dito.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nanambitan

Ano Ang Pakay Ni Lucas Kay Padre Salvi

Why Should People Involve In The Production Form Of Media To Be Accountable For Their Actions