paano ipinakita ang ugnayan ng sanhi at bunga sa matinding pangyayari na naganap kay crisostomo ibarra Sanhi at Bunga Mga Pangyayari sa Buhay ni Ibarra: Sanhi: Ang alitan ni Crisostomo Ibarra at Padre Damaso na muntik ng ikasawi ng kura na naganap sa loob ng tahanan ng mga Delos Santos matapos na si Ibarra ay malasing at makahanap ng tapang sa alak. Bunga: Nagalit ang kura kay Ibarra at nagpasya na paghiwalayin sila ng kasintahang si Maria Clara sa pamamagitan ng pag udyok kay kapitan Tiyago na wag na sila payagan na magkita. Sanhi: Ang pagiging anak ni Crisostomo Ibarra kay Don Rafael Ibarra na pinaniniwalaan ng marami na naging ugat ng poot ni Padre Damaso sa binata. Bunga: Ang pagkamuhi ni Padre Damaso na dala nito hanggang kamatayan. Simula ng makita niya si Crisostomo na nakabalik sa bayan ng San Diego ay hindi na nawala ang galit nito sa binata. Sanhi: Ang pagiging ekskomunikado ni Crisostomo Ibarra bilang parusa sa pananakit niya kay Padre Damaso. Bunga: Pagpasok ni Maria...
Ano ang pakay ni Lucas kay Padre Salvi Noli Me Tangere Kabanata 43: Panukala Sa kabanatang ito ay nagtungo si Lucas kay Padre Salvi upang humingi ng payo ukol sa pagkamatay ng kanyang kapatid na ang taong madilaw. Sinikap niya na maawa sa kanya si Padre Salvi ngunit hindi man lang nagpakita ng interes ang kura bagkus binalaan niya ang taong ito na wag ng babalik kung ayaw niya na ihabla siya ni Ibarra sa patuloy niyang pangungulit dito. Ang paghahabla ay hindi totoo na iniisip ni Ibarra. Ang tanging nais ng kura ay maitaboy si Lucas sapagkat nahahalata niya na batid na ni Lucas na siya ang nagtangka sa buhay ni Ibarra noong araw ng paghuhugos gamit ang kapatid nito na taong madilaw. Bukod dito, ipinapalagay din na si Lucas mismo ang nangumpisal kay Padre Salvi ukol sa himagsikan na isasagawa ni Ibarra. Ito ang ginamit niyang dahilan upang makita at makausap ang kura. Ang mga impormasyong iyon ay nakuha niya mula kay Elias ng sila ay magkita bago ang nakatakdang araw ng paglusob....
Comments
Post a Comment