Limang Layunin Ko Sa Buhay
Limang layunin ko sa buhay
ANO ANG LIMANG LAYUNIN NG BUHAY?
PAG-IBIG SA DIYOS
Dapat na ibigin natin ang Diyos ng buong sarili,puso,isip at lakas. Natutulungan tayo nito na isiping hindi lang tayo umiral sa lupa ng walang halaga kundi may lumikha at nagmamalasakit sa atin. At gusto niya na maenjoy natin ang buhay sa tamang paraan. Gusto din niya na bigyan natin siya ng pansin at sambahin siya.
PAG-IBIG SA KAPWA
Gusto niya na ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Gusto niya na maenjoy natin ang mabuting pakikipagkaibigan sa iba. Ang tunay na umiibig sa kapwa ay hindi kailanman nagiisip na saktan ang iba.
PANGANGALAGA SA MGA HAYOP
Gusto din niya na pangalagaan natin ang lahat ng mga nilikha niya gaya ng mga hayop. Gusto niya na maenjoy natin ang pagaalaga sa ibat-ibang uri ng hayop sa tamang paraan.
PAGNGANGALAGA SA LUPA
Gusto ng Diyos na pangalagaan natin ang ating kalikasan o ang lupa dahil ito ang pinagmumulan ng lahat ng kailangan natin para mabuhay.
PAGSAMBA AT PAGLILINGKOD
Gusto ng Diyos na magbigay tayo ng panahon para alamin at ituro sa iba ang mga espiritwal na katotohanan na nasa Bibliya. Gusto niya na isabuhay natin ito para magkaroon ng makabuluhang buhay.Makaiwas sa mga panganib at malalalang problema.
Bilang konklusyon,ang layunin ng buhay ay nakadepende sa pagkilala natin sa Diyos at maeenjoy natin ang buhay kung sa mga paraan niya tayo umaasa. Gusto niya ang pinakamabuti para sa tao.
Comments
Post a Comment