Paghambingin Ang Buhay Ni Don Custodio Sa Pilipinas At Ang Karanasan Niya Sa Espanya.Paano Niya Nagamit Ang Mg Karanasang Iyon Sa Kanyanag Pagbabalik
paghambingin ang buhay ni don custodio sa pilipinas at ang karanasan niya sa espanya.paano niya nagamit ang mg karanasang iyon sa kanyanag pagbabalik sa bansa?
El Filibusterismo
Don Custodio
Ang buhay niya dito sa Pilipinas ay tulad ng isang tipikal na lalaki na nakapag asawa ng isang mayaman. Dahil sa yamang taglay ng kanyang asawa, nakapag simula siya ng negosyo ay umunlad sa kabila ng kakulangan sa edukasyon. Ang yaman ay sinabayan niya ng sipag kaya naman pinagkatiwalaan siya ng mga tungkulin sa pamahalaan. Labis ang naging pagtitiwala ng mga tao sa kanya kaya naman maging ang pasya ukol sa akademya ay pinaubaya sa kanya. Nga lamang kinailangan pa siyang suyuin ng mga mag aaral ukol dito sapagkat batid nilang kailangan nila ng matibay na padrino upang makumbinsi siya na pumanig sa kanila.
Samantala, ang karanasan niya sa Espanya ay lubhang hindi naging maganda. Sapagkat salat sa edukasyon, hindi siya pansin ng mga kastila. Kaya naman wala pang isang taon ay nagpasya na siyang bumalik ng Pilipinas. Sa kanyang pagbalik sa bansa, pilit niyang ikinubli ang malungkot na karanasan sa Espanya at ipinagmayabang ang kunwaring pag aaral sa Madrid. Umasta siya na parang amo at isang tagapagtanggol kaya naman madali niyang napaniwala ang mga Pilipino. Tila nakalimutan niya ang kanyang pinagmulan sapagkat itinatak niya sa kanyang isip na ang mga tao ay ipinanganak na maging utusan habang ang iba naman ay mga tagapag utos.
Read more on
Comments
Post a Comment