Sino Ang Babaing Nagkumpisal Kay Padre Salvi Sa Kabanata 54 Ng Nobelang Noli Me Tangere??????
Sino ang babaing nagkumpisal kay padre salvi sa kabanata 54 ng nobelang noli me tangere??????
Noli Me Tangere
Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Ang pagsasabi ni Padre Salvi na ang nangumpisal sa kanya ay isang babae ay maaaring isang pagtatakip lamang sapagkat ang huling nakausap niya ng gabi bago ang naturang paglusob ay si Lucas. Upang maikubli ang pagtatraydor na ginawa ni Lucas kay Crisóstomo Ibarra sinabi ng kura na ang impormasyon ay nagmula sa isang babaeng nangumpisal sa kanya. Mababasa sa kabanata 52 na si Lucas at Elias ay nagkita upang pag usapan ang gagawing himagsikan. Nagkasundo sila na kung sino man ang mananalo sa sugal nang gabing iyon ay ang siyang makikipagsugal sa mga patay na ang ibig sabihin at ang siyang lulusob sa kwartel. Sapagkat natalo si Elias sa sugal, wala siyang nagawa kundi ang umuwi na lamang.
Sa parehong kabanata ay mababasa na si Lucas ay patungong simbahan upang magpamisa, dahilan upang masabi na siya ay may kinalaman sa impormasyong natanggap ni Padre Salvi ukol sa magaganap na paglusob. Ang isa pang matibay na dahilan upang sabihin na siya ang nangumpisal kay Padre Salvi ay ng kunin nito ang bayad sa pagkamatay ng kapatid na hindi niya naibigan sapagkat ayon sa kanya ay hindi sapat ang halagang iyon bilang bayad sa buhay ng kapatid.
Read more on
Comments
Post a Comment