Bakit Nagkunwaring Walang Nakikilala Si Padre Salvi Ng Tumaoat Ang Prusisyon Sa Bahay Nina Kapitan Tiago
Bakit nagkunwaring walang nakikilala si padre salvi ng tumaoat ang prusisyon sa bahay nina kapitan tiago
Noli Me Tangere
Kabanata 29: Ang Umaga
Padre Salvi
Ang pagkukunwari ni Padre Salvi na walang kakilala ng tumapat ang prusisyon sa bahay ni kapitan Tiyago ay pagpapakita ng kanyang pagmamalaki bilang kura ng bayan ng San Diego. Batid man ng lahat ng naroroon na siya ang pinakamakapangyarihan sa bayang iyon, nais pa rin niya na bigyang pagmamalaki ang sarili para sa tungkuling ito. Sapagkat ang pista at ang prusisyon ay gawaing pang simbahan kaya naman inaasahan na siya ang nangunguna rito. Subalit ang tanging kapansin pansin ay ang prusisyon na tila parada ng mga mayayaman at pasyonista. Ang prusisyon na tila salamin ng estado ng tao sapagkat makikilala sa kanilang mga kasuotan kung sino ang mayaman at ang mga hikahos.
Sa kanyang mga ikinilos mapapansin na si Padre Salvi ay buong pagmamalaki na ipinakilala ang sarili bilang kura paroko ng bayan ng San Diego. Ito ay palatandaan ng pag aangkin. Ang matuwid niyang tayo at mataas na ulo ay pagmamalaki na ang bayang iyon ay nasa ilalim ng kanyang pamumuno at walang sinuman ang maaaring yumurak at manlait sa kanyang pagkatao maging ang mga kilalang tao na gaya nina kapitan Tiyago, ang alkalde, Maria Clara, Crisostomo Ibarra at lahat ng mga kastila na naroon sa pagdiriwang.
Read more on
Comments
Post a Comment