Ano Ang Gusto Ipahiwatig Ni Rizal Sa Kabanata 32 Ng Noli Me Tangere
Ano ang gusto ipahiwatig ni Rizal sa kabanata 32 ng noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 32: Ang Panghugos
Sa kabanatang ito nais ipahiwatig ni Rizal na sa lahat ng dako ay may nakaambang panganib kaya naman kailangan ng ibayong pag iingat at pagiging alisto sa lahat ng oras. Ang maagap na pagkilos ni Elias at ni Ibarra ang dahilan upang siya ay makaligtas sa nakaambang panganib. Batid ni Dr. Jose Rizal na tulad ng kanyang tauhan sa Noli Me Tangere siya man ay may mga lihim na kaaway at may mga panganib na kinakaharap sapagkat hindi lahat ng mambabasa ay nasisiyahan sa kanyang mga akda. Katunayan, makailang ulit na rin na binigyan ng babala noon si Rizal na hindi magtatagal at siya ay parurusahan sa kapangahasan sa pagsulat.
Nais din ipahiwatig ni Rizal sa kabanatang ito na ang banta sa buhay ng tao ay hindi naging matagumpay sapagkat hindi ito ang ninais ng langit na mangyari. Kadalasan, kapag ang taong puntirya ay hindi nakatakdang malagutan ng hininga sa paraang itinakda ng tao ngunit hindi iniadya ng Diyos ay hindi pa rin nagkakaroon ng katuparan. Gayun din, sa oras ng panganib ang unang pumapasok sa isip ng tao ay ang kanyang mga mahal sa buhay kaya naman agad niyang hinanap si Maria Clara upang masiguro ang kaligtasan nito.
Read more on
Comments
Post a Comment